Nakakatuwa ang librong ito.
Una, nakita ko lang eto na binabasa ng mga tao sa GoodReads at naintriga ako sa pangalang Bebang Siy. I mean, writer ka maililimbag ang pangalan mo sa mga libro at mababasa ng mga tao pero parang ang baho naman ng pangalan di ba? Pasintabi lang Ms.Bebang hehhe. Kaya alam ko na may self-confidence etong manunulat na ito. Naisip ko, another Bob Ong wanna-be? Pero kay Bob Ong din naman ako nakakuha ng istilo kung paano mag sulat. Err, nakakuha ng confidence na pwede pala magsulat ng barubal at freestyle lang kumbaga at maiintindihan din ng mga tao. Ang masasabi ko, iba pa rin sya kay Bob Ong. Parang libo-libong nobela sa mundo na iisa lang ang plot pero iba ang pagkaka deliver. Ganun.
Pangalawa, nakita ko na nagpost ang friend kong si Tina na magbibigay daw sya ng free copy ng libro. Syempre nanguna na ako na sumigaw sa FB ng "AKO!" Libro - check! Libre - mas malaking check! Sobrang tuwa ko ng sabihin ni Tina na sa akin daw nya ibibigay yung isang copy. At kinuha na nya contact details ko. Shit! Totoo nga! AS IN LAKING TUWA ang naramdaman ko. Hehehe. At nang makuha ko yung libro, may pirma ni BEBANG SIY! May dedication pa! Waaaaaa!!! Ang bait ko ba Lord para makakuha ng ganitong regalo?
Pangatlo, naunang nagbasa ng libro si inay ko. Bihira magbasa ng tagalog yun. At nang sabihin nya na maganda at nakakatuwa. At eto pa, nagkukwento pa sya ng nabasa nya eh talaga namang sulit ang mga nakatay na puno para maging papel at ginawang libro ni Bebang.
So tapos na sa history. Hehehe
It's A Mens World. Ano nga ba uli ang dapat ipagdiwang (kapag dalaga ka na)? Parang protection lang ni Harry Potter para di sya ma-target ni Voldemort ang interpretation ko dyan. May mens ka na. Di ka na bata. Di lang basta-bastang makakalagpas sa mga gawain mo noong bata ka pa at konting iyak o ngiti ay mapapatawad ka na. May kaakibat na responsibilidad. Responsibilidad na kailangang mag isip na ng mas matured, gumalaw ng tama at bawal ang buka-bukaka. At bawal na mag amoy kambing. Kelangan maging mabango sa bawat saglit.
Sabi nga MADUGO ang mamuhay sa mundo. Pero kung dun ka lang naman mag focus eh walang mangyayari. Kaya live life! Enjoy! Nandiyan ang pamilya at mga kaibigan.
Masaya akong binabasa itong libro. Naalala ang mga nakaraan. Naalala ang mga di dapat maalala. Pero lahat naman ng iyon ay parte ng kung ano at sino ako ngayon.
Sabi nga ni Ms.Bebang, PARA SA BAYAN! PARA SA PANITIKAN! Sana dumami pa ang mga tulad nyang manunulat at tulad ng Anvil Publishing na naniwala sa kakayahan nya. Sa kanya ko rin natutunan ang tamang paggamit ng "ng" at "nang". Di ko nga alam paano ako nakapasa sa Filipino ko noong elementary. Ngayon ko lang napagtanto na ganun pala ang usage.
I had a very delightful journey with you Ms.Bebang kahit sa printed na mga salita lamang.
Abangan natin ang sequel nya, It's Raining Mens.